Isaias 14

Ngayong patay ka na, wala ka nang kapangyarihan, at wala na rin ang mga tugtugan ng mga alpa upang ikaʼy parangalan. Uod na ang iyong higaan at sila rin ang kumot mo.

Isaiah 14:11 (UKJV) Your pomp is brought down to the grave, and the noise of your viols: the worm is spread under you, and the worms cover you.

9Nagkakagulo ang mga patay sa iyong pagdating at handang-handa na sila para ikaʼy salubungin. Ang kaluluwa ng mga dating makapangyarihan sa mundo ay nagkakagulo sa pagbati sa iyo. Tumatayo sa kanilang mga trono ang kaluluwa ng mga hari para salubungin ka.

10Sasagot silang lahat at sasabihin nila saʼyo, “Humina ka na rin pala katulad namin. Pare-pareho na tayo.”

11Ngayong patay ka na, wala ka nang kapangyarihan, at wala na rin ang mga tugtugan ng mga alpa upang ikaʼy parangalan. Uod na ang iyong higaan at sila rin ang kumot mo.

12Nahulog ka mula sa langit, ikaw na tinatawag na tala sa umaga. Ibinagsak ka sa lupa, ikaw na nagpasuko ng mga bansa.

13Sinabi mo sa iyong sarili, “Aakyat ako sa langit, at ilalagay ko ang aking trono sa itaas ng mga bituin ng Diyos. Uupo ako sa itaas ng bundok na pinagtitipunan ng mga diyos sa bandang hilaga.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.