Isaias 14

Nagkakagulo ang mga patay sa iyong pagdating at handang-handa na sila para ikaʼy salubungin. Ang kaluluwa ng mga dating makapangyarihan sa mundo ay nagkakagulo sa pagbati sa iyo. Tumatayo sa kanilang mga trono ang kaluluwa ng mga hari para salubungin ka.

Isaiah 14:9 (UKJV) Hell from beneath is moved for you to meet you at your coming: it stirs up the dead for you, even all the chief ones of the earth; it has raised up from their thrones all the kings of the nations.

7Ang mga kalupaaʼy panatag at payapa at magaawitan ang mga tao sa tuwa.

8Magagalak pati ang mga puno ng sipres at sedro sa Lebanon dahil sa nangyari sa hari. Para nilang sinasabi, “Ngayong wala ka na, wala nang puputol sa amin.”

9Nagkakagulo ang mga patay sa iyong pagdating at handang-handa na sila para ikaʼy salubungin. Ang kaluluwa ng mga dating makapangyarihan sa mundo ay nagkakagulo sa pagbati sa iyo. Tumatayo sa kanilang mga trono ang kaluluwa ng mga hari para salubungin ka.

10Sasagot silang lahat at sasabihin nila saʼyo, “Humina ka na rin pala katulad namin. Pare-pareho na tayo.”

11Ngayong patay ka na, wala ka nang kapangyarihan, at wala na rin ang mga tugtugan ng mga alpa upang ikaʼy parangalan. Uod na ang iyong higaan at sila rin ang kumot mo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.