Isaias 14

Magagalak pati ang mga puno ng sipres at sedro sa Lebanon dahil sa nangyari sa hari. Para nilang sinasabi, “Ngayong wala ka na, wala nang puputol sa amin.”

Isaiah 14:8 (UKJV) Yea, the fir trees rejoice at you, and the cedars of Lebanon, saying, Since you are laid down, no tree chopper has come up against us.

6na kapag nagagalit, tao ang nagdurusa at kapag napopoot, inuusig ang mga bansa, at walang tigil ang pang-aalipusta.

7Ang mga kalupaaʼy panatag at payapa at magaawitan ang mga tao sa tuwa.

8Magagalak pati ang mga puno ng sipres at sedro sa Lebanon dahil sa nangyari sa hari. Para nilang sinasabi, “Ngayong wala ka na, wala nang puputol sa amin.”

9Nagkakagulo ang mga patay sa iyong pagdating at handang-handa na sila para ikaʼy salubungin. Ang kaluluwa ng mga dating makapangyarihan sa mundo ay nagkakagulo sa pagbati sa iyo. Tumatayo sa kanilang mga trono ang kaluluwa ng mga hari para salubungin ka.

10Sasagot silang lahat at sasabihin nila saʼyo, “Humina ka na rin pala katulad namin. Pare-pareho na tayo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.