Isaias 14

Mga Filisteo, huwag muna kayong magdiwang sa pagkabali ng tungkod na pumapalo sa inyo. Sapagkat manggagaling sa ahas na ito ang isang ulupong; mas makamandag at tila lumilipad na uri ang papalit sa kanya.

Isaiah 14:29 (UKJV) Rejoice not you, whole Palestina, because the rod of him that stroke you is broken: for out of the serpent's root shall come forth a cockatrice, and his fruit shall be a fiery flying serpent.

27Sino ang makakapagbago ng plano ng Panginoon ng mga Hukbo? Sino ang makakapigil sa kanyang pagpaparusa?

28Ang pahayag na ito ay natanggap noong namatay si Haring Ahaz:

29Mga Filisteo, huwag muna kayong magdiwang sa pagkabali ng tungkod na pumapalo sa inyo. Sapagkat manggagaling sa ahas na ito ang isang ulupong; mas makamandag at tila lumilipad na uri ang papalit sa kanya.

30Ang mga mahihirap kong mamamayan ay aking pakakainin at bibigyan ng kapahingahan nang walang anumang kinatatakutan. Ngunit pababayaan kong mamatay sa gutom ang mga lahi mo, at ang matitira sa kanila ay pupuksain ko.

31Umiyak kayo nang malakas, kayong mga mamamayan ng mga bayan ng Filistia. Sapagkat sasalakay sa inyo ang inyong mga kaaway na parang usok mula sa hilaga at silang lahat ay pawang matatapang.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.