Isaias 14

Umiyak kayo nang malakas, kayong mga mamamayan ng mga bayan ng Filistia. Sapagkat sasalakay sa inyo ang inyong mga kaaway na parang usok mula sa hilaga at silang lahat ay pawang matatapang.

Isaiah 14:31 (UKJV) Wail, O gate; cry, O city; you, whole Palestina, are dissolved: for there shall come from the north a smoke, and none shall be alone in his appointed times.

29Mga Filisteo, huwag muna kayong magdiwang sa pagkabali ng tungkod na pumapalo sa inyo. Sapagkat manggagaling sa ahas na ito ang isang ulupong; mas makamandag at tila lumilipad na uri ang papalit sa kanya.

30Ang mga mahihirap kong mamamayan ay aking pakakainin at bibigyan ng kapahingahan nang walang anumang kinatatakutan. Ngunit pababayaan kong mamatay sa gutom ang mga lahi mo, at ang matitira sa kanila ay pupuksain ko.

31Umiyak kayo nang malakas, kayong mga mamamayan ng mga bayan ng Filistia. Sapagkat sasalakay sa inyo ang inyong mga kaaway na parang usok mula sa hilaga at silang lahat ay pawang matatapang.

32Ano ang isasagot natin sa mga sugo ng bansang iyon? Sabihin natin sa kanila na ang Panginoon ang nagtayo ng Zion, at dito manganganlong ang nahihirapan niyang mga mamamayan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.