Isaias 15

Nalungkot ako dahil sa nangyari sa Moab. Nagsitakas ang kanyang mga mamamayan papuntang Zoar hanggang sa Eglat-selisiya. Nag-iiyakan sila habang umaahon papuntang Luhit. Ang iba sa kanila ay humahagulgol patungo sa Horonaim, dahil sa kanilang sinapit.

Isaiah 15:5 (UKJV) My heart shall cry out for Moab; his fugitives shall flee unto Zoar, an heifer of three years old: for by the mounting up of Luhith with weeping shall they go it up; for in the way of Horonaim they shall raise up a cry of destruction.

3Nakadamit sila ng sako habang lumalakad sa lansangan. Humahagulgol sila sa tuktok ng bubong at sa mga plasa.

4Umiiyak ang mga taga-Hesbon at ang mga taga-Eleale at naririnig ito hanggang sa Jahaz. Kaya ang mga sundalo ng Moab ay sumisigaw nang malakas at nanghihina sa takot.

5Nalungkot ako dahil sa nangyari sa Moab. Nagsitakas ang kanyang mga mamamayan papuntang Zoar hanggang sa Eglat-selisiya. Nag-iiyakan sila habang umaahon papuntang Luhit. Ang iba sa kanila ay humahagulgol patungo sa Horonaim, dahil sa kanilang sinapit.

6Natuyo ang mga sapa ng Nimrim at nalanta ang mga damo. Ang kaparangan ay nalanta at anumang luntian ay nawala na.

7Kaya dinala nila sa kabila ng daluyan ng tubig ng Herabim ang mga ari-arian at kayamanang natipon nila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.