Isaias 16

Kaya iiyakan ng mga taga-Moab ang kanilang bansa. Iiyak silang lahat dahil sa pagkawala ng masasarap nilang pagkain sa Kir-hareset.

Isaiah 16:7 (UKJV) Therefore shall Moab wail for Moab, every one shall wail: for the foundations of Kirhareseth shall all of you mourn; surely they are stricken.

5Itatatag ang trono ng isang nagmumula sa lahi ni David. Siyaʼy mamumuno nang may pagmamahal at katapatan; isang hukom na makatarungan ang hatol, at maagap gawin kung ano ang matuwid.

6Nabalitaan naming masyadong mapagmalaki ang mga taga-Moab. Ang pagmamataas at kahambugan nila ay walang kabuluhan.

7Kaya iiyakan ng mga taga-Moab ang kanilang bansa. Iiyak silang lahat dahil sa pagkawala ng masasarap nilang pagkain sa Kir-hareset.

8Nasira ang mga bukid sa Hesbon pati na ang mga ubasan sa Sibma. Winasak ng mga pinuno ng mga bansa ang mga ubasan hanggang sa Jazer patungo sa disyerto at umabot pa hanggang sa Dagat na Patay.

9Kaya umiiyak ako tulad ng mga taga-Jazer, dahil sa ubasan ng Sibma. Iniiyakan ko ang Hesbon at Eleale dahil hindi na maririnig ang masasaya nilang hiyawan dahil sa masaganang ani.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.