Isaias 16

Itatatag ang trono ng isang nagmumula sa lahi ni David. Siyaʼy mamumuno nang may pagmamahal at katapatan; isang hukom na makatarungan ang hatol, at maagap gawin kung ano ang matuwid.

Isaiah 16:5 (UKJV) And in mercy shall the throne be established: and he shall sit upon it in truth in the tabernacle of David, judging, and seeking judgment, and hasting righteousness.

3Sabi ng taga-Moab, “Payuhan ninyo kami, magpasya kayo kung ano ang dapat gawin. Liliman sana kami ng inyong anino mula sa init ng araw sa tanghaling-tapat. Ikubli ninyo kaming nagsitakas mula sa aming bayan; huwag ninyong isuko, kaming mga wala nang tahanan.

4Hayaan sana ninyong kami ay manatili sa inyong piling, at kamiʼy ipagtanggol sa mga gustong lumipol sa amin.” Matatapos ang pang-aapiʼt pang-aalipusta, ang pagwawasak ay titigil na, at ang mga yumuyurak ay tuluyan nang mawawala.

5Itatatag ang trono ng isang nagmumula sa lahi ni David. Siyaʼy mamumuno nang may pagmamahal at katapatan; isang hukom na makatarungan ang hatol, at maagap gawin kung ano ang matuwid.

6Nabalitaan naming masyadong mapagmalaki ang mga taga-Moab. Ang pagmamataas at kahambugan nila ay walang kabuluhan.

7Kaya iiyakan ng mga taga-Moab ang kanilang bansa. Iiyak silang lahat dahil sa pagkawala ng masasarap nilang pagkain sa Kir-hareset.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.