Isaias 19

Sa araw na iyon, limang lungsod ng Ehipto ang manunumpa ng katapatan sa Panginoon ng mga Hukbo, at magsasalita sila sa wikang Hebreo na wika ng Canaan. Isa sa mga lungsod na itoʼy tatawaging, Lungsod ng Araw.

Isaiah 19:18 (UKJV) In that day shall five cities in the land of Egypt speak the language of Canaan, and swear to the LORD of hosts; one shall be called, The city of destruction.

16Sa mga araw na iyon, ang mga taga-Ehipto ay magiging mahina gaya ng mga babae. Manginginig sila sa takot sa parusang ihahatol sa kanila ng Panginoon ng mga Hukbo.

17Matatakot sila sa Juda, kahit marinig lang nila ang pangalan nito. Mangyayari ito sa kanila dahil sa plano ng Panginoon ng mga Hukbo laban sa kanila.

18Sa araw na iyon, limang lungsod ng Ehipto ang manunumpa ng katapatan sa Panginoon ng mga Hukbo, at magsasalita sila sa wikang Hebreo na wika ng Canaan. Isa sa mga lungsod na itoʼy tatawaging, Lungsod ng Araw.

19Sa araw na iyon, itatayo ang isang altar para sa Panginoon sa lupain ng Ehipto, at itatayo ang isang alaalang bato sa hangganan nito.

20Magiging tanda ito at patunay na naroon ang Panginoon ng mga Hukbo sa lupain ng Ehipto. Kung ang mga taga-Ehipto ay hihingi ng tulong sa Panginoon sa dahilang pinapahirapan sila ng mga umaapi sa kanila, padadalhan niya sila ng tagapagligtas at tagapagtanggol, at siya ang magliligtas sa kanila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.