15Walang sinuman sa buong Ehipto, mayaman man o mahirap, marangal man o aba, ang makakatulong sa kanyang bansa.
16Sa mga araw na iyon, ang mga taga-Ehipto ay magiging mahina gaya ng mga babae. Manginginig sila sa takot sa parusang ihahatol sa kanila ng Panginoon ng mga Hukbo.
17Matatakot sila sa Juda, kahit marinig lang nila ang pangalan nito. Mangyayari ito sa kanila dahil sa plano ng Panginoon ng mga Hukbo laban sa kanila.
18Sa araw na iyon, limang lungsod ng Ehipto ang manunumpa ng katapatan sa Panginoon ng mga Hukbo, at magsasalita sila sa wikang Hebreo na wika ng Canaan. Isa sa mga lungsod na itoʼy tatawaging, Lungsod ng Araw.
19Sa araw na iyon, itatayo ang isang altar para sa Panginoon sa lupain ng Ehipto, at itatayo ang isang alaalang bato sa hangganan nito.