Isaias 19

Ipapakilala ng Panginoon ang kanyang sarili sa kanila, at sa araw na iyon ay kikilalanin nila ang Panginoon. Sasambahin nila siya sa pamamagitan ng sari-saring mga handog. Mamamanata sila sa Panginoon, at tutuparin nila iyon.

Isaiah 19:21 (UKJV) And the LORD shall be known to Egypt, and the Egyptians shall know the LORD in that day, and shall do sacrifice and oblation; yea, they shall vow a vow unto the LORD, and perform it.

19Sa araw na iyon, itatayo ang isang altar para sa Panginoon sa lupain ng Ehipto, at itatayo ang isang alaalang bato sa hangganan nito.

20Magiging tanda ito at patunay na naroon ang Panginoon ng mga Hukbo sa lupain ng Ehipto. Kung ang mga taga-Ehipto ay hihingi ng tulong sa Panginoon sa dahilang pinapahirapan sila ng mga umaapi sa kanila, padadalhan niya sila ng tagapagligtas at tagapagtanggol, at siya ang magliligtas sa kanila.

21Ipapakilala ng Panginoon ang kanyang sarili sa kanila, at sa araw na iyon ay kikilalanin nila ang Panginoon. Sasambahin nila siya sa pamamagitan ng sari-saring mga handog. Mamamanata sila sa Panginoon, at tutuparin nila iyon.

22Parurusahan ng Panginoon ng salot ang mga taga-Ehipto; parurusahan sila ngunit pagagalingin din niya ang mga ito. Dudulog sila sa Panginoon, at didinggin niya ang mga dalangin nila at pagagalingin sila.

23Sa araw na iyon, magkakaroon ng malapad na daan mula sa Ehipto papuntang Asiria. Ang mga taga-Ehipto at mga taga-Asiria ay magpaparooʼt parito sa Ehipto at sa Asiria, at magkasama silang sasamba.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.