20Magiging tanda ito at patunay na naroon ang Panginoon ng mga Hukbo sa lupain ng Ehipto. Kung ang mga taga-Ehipto ay hihingi ng tulong sa Panginoon sa dahilang pinapahirapan sila ng mga umaapi sa kanila, padadalhan niya sila ng tagapagligtas at tagapagtanggol, at siya ang magliligtas sa kanila.
21Ipapakilala ng Panginoon ang kanyang sarili sa kanila, at sa araw na iyon ay kikilalanin nila ang Panginoon. Sasambahin nila siya sa pamamagitan ng sari-saring mga handog. Mamamanata sila sa Panginoon, at tutuparin nila iyon.
22Parurusahan ng Panginoon ng salot ang mga taga-Ehipto; parurusahan sila ngunit pagagalingin din niya ang mga ito. Dudulog sila sa Panginoon, at didinggin niya ang mga dalangin nila at pagagalingin sila.
23Sa araw na iyon, magkakaroon ng malapad na daan mula sa Ehipto papuntang Asiria. Ang mga taga-Ehipto at mga taga-Asiria ay magpaparooʼt parito sa Ehipto at sa Asiria, at magkasama silang sasamba.
24Sa araw na iyon, magsasama ang Israel, Ehipto, at ang Asiria. At ang tatlong bansang ito ay magiging pagpapala sa buong mundo.