2“Pag-aawayin ko ang mga taga-Ehipto: Kapatid laban sa kapatid, kapitbahay laban sa kapitbahay, lungsod laban sa lungsod, at kaharian laban sa kaharian.
3Masisiraan ng loob ang mga taga-Ehipto, at guguluhin ko ang kanilang mga plano. Silaʼy sasangguni sa mga diyos-diyosan, sa kaluluwa ng mga patay, sa mga mangkukulam at mga espiritista.
4Ipapasakop ko sila sa isang haring malupit,” pahayag ng Panginoon ng mga Hukbo.
5Matutuyo ang tubig ng Ilog Nilo at ang ilog ay mawawalan ng tubig hanggang matuyot ito.
6Ang mga sapa at mga batis na dinadaluyan nito ay babaho at matutuyo. Malalanta ang mga tambo at mga talahib,