Isaias 19

“Pag-aawayin ko ang mga taga-Ehipto: Kapatid laban sa kapatid, kapitbahay laban sa kapitbahay, lungsod laban sa lungsod, at kaharian laban sa kaharian.

Isaiah 19:2 (UKJV) And I will set the Egyptians against the Egyptians: and they shall fight every one against his brother, and every one against his neighbour; city against city, and kingdom against kingdom.

1Ang pahayag na itoʼy tungkol sa Ehipto: Makinig kayo! Ang Panginoon ay nakasakay sa matulin na ulap at patungo sa Ehipto. Nangangatog sa takot ang mga diyos-diyosan ng Ehipto, at kinakabahan ang mga Ehipsiyo.

2“Pag-aawayin ko ang mga taga-Ehipto: Kapatid laban sa kapatid, kapitbahay laban sa kapitbahay, lungsod laban sa lungsod, at kaharian laban sa kaharian.

3Masisiraan ng loob ang mga taga-Ehipto, at guguluhin ko ang kanilang mga plano. Silaʼy sasangguni sa mga diyos-diyosan, sa kaluluwa ng mga patay, sa mga mangkukulam at mga espiritista.

4Ipapasakop ko sila sa isang haring malupit,” pahayag ng Panginoon ng mga Hukbo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.