Isaias 2

Pagkakasunduin ng Panginoon ang maraming bansa. Kaya hindi na magdidigmaan ang mga bansa. Hindi na rin sila magsasanay ng mga sundalo para sa digmaan. Gagawin na lang nilang talim ng araro ang kanilang mga espada, at karit na pantabas ang kanilang mga sibat.

Isaiah 2:4 (UKJV) And he shall judge among the nations, and shall rebuke many people: and they shall beat their swords into plowshares, and their spears into pruning hooks: nation shall not lift up sword against nation, neither shall they learn war any more.

2Sa mga huling araw, ang bundok na kinatatayuan ng templo ng Panginoon ay magiging pinakamataas sa lahat ng mga bundok. Ito rin ay magiging pinakamahalaga sa lahat ng bundok. Dadagsa rito ang mga tao mula sa ibaʼt ibang bansa.

3Sasabihin nila, “Tayo na sa bundok ng Panginoon, sa Templo ng Diyos ni Jacob. Ituturo niya sa atin ang kanyang pamamaraan upang lumakad tayo sa kanyang mga daan.” Manggagaling sa Zion ang kautusan Panginoon, ang kanyang salita ay lalaganap mula sa Jerusalem.

4Pagkakasunduin ng Panginoon ang maraming bansa. Kaya hindi na magdidigmaan ang mga bansa. Hindi na rin sila magsasanay ng mga sundalo para sa digmaan. Gagawin na lang nilang talim ng araro ang kanilang mga espada, at karit na pantabas ang kanilang mga sibat.

5Halikayo, mga lahi ni Jacob, mamuhay tayo sa katotohanan, na ibinigay sa atin ng Panginoon.

6Totoong itinakwil nʼyo, Panginoon, ang mga mamamayan ninyo, ang lahi ni Jacob, dahil naniniwala kayo sa mga pamahiing mula sa silangan at sa mga manghuhula, gaya ng mga Filisteo. Sinusunod ninyo ang pag-uugali ng mga dayuhan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.