Isaias 20

Ang mga umaasa sa Etiopia at ipinagmamalaki ang Ehipto ay manlulupaypay at mapapahiya.

Isaiah 20:5 (UKJV) And they shall be afraid and ashamed of Ethiopia their expectation, and of Egypt their glory.

3Sinabi ng Panginoon, “Ang lingkod kong si Isaias ay palakad-lakad nang hubad at nakayapak sa loob ng tatlong taon. Itoʼy bilang tanda at babala para sa Ehipto at Etiopia.

4Sapagkat bibihagin ng hari ng Asiria ang mga taga-Ehipto at mga taga-Etiopia, bata man o matanda. Bibihagin sila nang hubad at nakayapak. Makikita ang kanilang puwit, at talaga ngang mapapahiya ang mga Ehipsiyo.

5Ang mga umaasa sa Etiopia at ipinagmamalaki ang Ehipto ay manlulupaypay at mapapahiya.

6Sa araw na mangyari iyon, sasabihin ng mga Filisteo, ‘Tingnan ninyo ang nangyari sa mga bansang ating inaasahan at hinihingan ng tulong para tayoʼy maligtas sa hari ng Asiria. Paano na tayo maliligtas?’ ”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.