Isaias 22

Sa halip, nagdiwang kayo at nagsaya. Nagkatay kayo ng mga baka at tupa, kumain ng karne at nag-inuman pa. Sabi ninyo, “Kumain tayoʼt uminom, sapagkat mamamatay rin lang naman tayo bukas.”

Isaiah 22:13 (UKJV) And behold joy and gladness, slaying oxen, and killing sheep, eating flesh, and drinking wine: let us eat and drink; in order to morrow we shall die.

11Gumawa kayo ng imbakan ng tubig sa pagitan ng dalawang pader, at itoʼy pinuno ninyo ng tubig mula sa dating imbakan. Ngunit hindi ninyo naisip ang Diyos na siyang gumawa at nagplano nito noong una pa at niloob niyang mangyari ito.

12Nanawagan sa inyo ang Panginoong Diyos na Makapangyarihan na kayoʼy magdalamhati, umiyak, magpakalbo at magsuot ng damit na panluksa.

13Sa halip, nagdiwang kayo at nagsaya. Nagkatay kayo ng mga baka at tupa, kumain ng karne at nag-inuman pa. Sabi ninyo, “Kumain tayoʼt uminom, sapagkat mamamatay rin lang naman tayo bukas.”

14Sinabi sa akin ng Panginoon ng mga Hukbo na hindi niya kayo patatawarin sa kasalanang ito habang kayoʼy nabubuhay.

15Ito ang sinabi ng Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa akin: “Puntahan mo si Shebna ang katiwalang nangangasiwa sa palasyo at sabihin sa kanya:

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.