Isaias 22

Ito ang sinabi ng Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa akin: “Puntahan mo si Shebna ang katiwalang nangangasiwa sa palasyo at sabihin sa kanya:

Isaiah 22:15 (UKJV) Thus says the Lord GOD of hosts, Go, get you unto this treasurer, even unto Shebna, which is over the house, and say,

13Sa halip, nagdiwang kayo at nagsaya. Nagkatay kayo ng mga baka at tupa, kumain ng karne at nag-inuman pa. Sabi ninyo, “Kumain tayoʼt uminom, sapagkat mamamatay rin lang naman tayo bukas.”

14Sinabi sa akin ng Panginoon ng mga Hukbo na hindi niya kayo patatawarin sa kasalanang ito habang kayoʼy nabubuhay.

15Ito ang sinabi ng Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa akin: “Puntahan mo si Shebna ang katiwalang nangangasiwa sa palasyo at sabihin sa kanya:

16Sino ka ba sa akala mo, at ano ang ginagawa mo rito, gumagawa ng iyong libingan sa gilid ng bundok, at umuukit ng iyong himlayan sa malaking bato?

17“Mag-ingat ka! Kahit na ikaw ay makapangyarihan, huhulihin at itatapon ka ng Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.