Isaias 22

Sino ka ba sa akala mo, at ano ang ginagawa mo rito, gumagawa ng iyong libingan sa gilid ng bundok, at umuukit ng iyong himlayan sa malaking bato?

Isaiah 22:16 (UKJV) What have you here? and whom have you here, that you have hewed you out a tomb here, as he that hews him out a tomb on high, and that graves an habitation for himself in a rock?

14Sinabi sa akin ng Panginoon ng mga Hukbo na hindi niya kayo patatawarin sa kasalanang ito habang kayoʼy nabubuhay.

15Ito ang sinabi ng Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa akin: “Puntahan mo si Shebna ang katiwalang nangangasiwa sa palasyo at sabihin sa kanya:

16Sino ka ba sa akala mo, at ano ang ginagawa mo rito, gumagawa ng iyong libingan sa gilid ng bundok, at umuukit ng iyong himlayan sa malaking bato?

17“Mag-ingat ka! Kahit na ikaw ay makapangyarihan, huhulihin at itatapon ka ng Panginoon.

18Igugulong ka niyang parang isang bola, at ihahagis sa malawak na lupain. Doon ka mamamatay, kasama ng mga magagarang karwaheng ipinagmamalaki mo, at sa iyong panginoon, ikaʼy magiging kahihiyan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.