Isaias 22

Isasalalay sa kanya ang karangalan ng kanyang buong pamilya: lahat ng mga supling at sanga nito. Sa sabitang ito nakabitin ang mga sisidlan, mula sa mga maliliit na tasa, sa mga mangkok hanggang sa mga garapon.

Isaiah 22:24 (UKJV) And they shall hang upon him all the glory of his father's house, the offspring and the issue, all vessels of small quantity, from the vessels of cups, even to all the vessels of flagons.

22Ibibigay ko sa kanya ang susi ng kaharian ni David. Kapag binuksan niya ang pintuan, walang makapagsasara nito, at kapag isinara niya, walang makapagbubukas nito.

23Itatatag ko siyang tulad ng pakong sabitan na matatag ang pagkabaon sa pader, at siyaʼy magbibigay karangalan sa kanyang pamilya.

24Isasalalay sa kanya ang karangalan ng kanyang buong pamilya: lahat ng mga supling at sanga nito. Sa sabitang ito nakabitin ang mga sisidlan, mula sa mga maliliit na tasa, sa mga mangkok hanggang sa mga garapon.

25“Sa araw na iyon,” sabi ng Panginoon ng mga Hukbo, “mahuhulog siya at mawawasak ang lahat ng nakasabit sa kanya.” Ang Panginoon ang nagsasabi nito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.