Isaias 23

Sino ang nagplano ng ganito sa Tiro, ang kinikilalang nagkakaloob ng korona, parang prinsipe ang mga mangangalakal nito at silaʼy pinararangalan sa buong mundo?

Isaiah 23:8 (UKJV) Who has taken this counsel against Tyre, the crowning city, whose merchants are princes, whose traffickers are the honourable of the earth?

6Umiyak kayo, kayong mga naninirahan sa tabing-dagat. Tumawid kayo sa Tarsis.

7Noon, masaya ang lungsod ng Tiro na itinayo noong unang panahon. Nakaabot ang mga mamamayan nito sa malalayong lupain at sinakop nila ang mga lupaing iyon. Ngunit ano ang nangyari sa kanya ngayon?

8Sino ang nagplano ng ganito sa Tiro, ang kinikilalang nagkakaloob ng korona, parang prinsipe ang mga mangangalakal nito at silaʼy pinararangalan sa buong mundo?

9Ang Panginoon ng mga Hukbo ang nagplano nito para ibagsak ang nagmamalaki ng kanyang kapangyarihan at ang mga kinikilalang tanyag sa mundo.

10Kayong mga taga-Tarsis ay malayang dumaan sa Tiro, katulad ng Ilog ng Nilo na malayang dumadaloy, dahil wala nang pipigil sa inyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.