18Ang tumatakas dahil sa takot ay mahuhulog sa hukay at mabibitag ang mga lumalabas dito. Uulan nang malakas at mayayanig ang pundasyon ng lupa.
19Ang daigdig ay lubusang mawawasak; mabibiyak ang lupa at labis itong mayayanig.
20At magpapasuray-suray ito na parang lasing at parang kubong gumagalaw-galaw sa ihip ng hangin. Ang lupa ay mabibigatan dahil sa kasalanan, at mawawasak ito at hindi na muling makakabangon.
21Sa araw na iyon, parurusahan ng Panginoon ang mga makapangyarihang nilalang sa langit, pati ang mga hari dito sa mundo.
22Sama-sama silang ihuhulog sa hukay na katulad ng mga bilanggo. Ikukulong sila sa bilangguang iyon at saka parurusahan pagkatapos ng maraming araw.