16Maririnig ang awitan sa ibaʼt ibang sulok ng mundo, “Luwalhati sa Diyos na Makatarungan.” Ngunit kahabag-habag ako. Akoʼy nanghihina! Nagtataksil ang mga taksil! Patuloy ang paggawa nila ng kataksilan!
17Kayong mga mamamayan ng mga bansa sa buong mundo, naghihintay sa inyo ang takot, hukay, at bitag.
18Ang tumatakas dahil sa takot ay mahuhulog sa hukay at mabibitag ang mga lumalabas dito. Uulan nang malakas at mayayanig ang pundasyon ng lupa.
19Ang daigdig ay lubusang mawawasak; mabibiyak ang lupa at labis itong mayayanig.
20At magpapasuray-suray ito na parang lasing at parang kubong gumagalaw-galaw sa ihip ng hangin. Ang lupa ay mabibigatan dahil sa kasalanan, at mawawasak ito at hindi na muling makakabangon.