Isaias 24

Kayong mga mamamayan ng mga bansa sa buong mundo, naghihintay sa inyo ang takot, hukay, at bitag.

Isaiah 24:17 (UKJV) Fear, and the pit, and the snare, are upon you, O inhabitant of the earth.

15Kaya nararapat ding purihin ng mga tao sa silangan at ng mga lugar na malapit sa dagat ang Panginoon, ang Diyos ng Israel.

16Maririnig ang awitan sa ibaʼt ibang sulok ng mundo, “Luwalhati sa Diyos na Makatarungan.” Ngunit kahabag-habag ako. Akoʼy nanghihina! Nagtataksil ang mga taksil! Patuloy ang paggawa nila ng kataksilan!

17Kayong mga mamamayan ng mga bansa sa buong mundo, naghihintay sa inyo ang takot, hukay, at bitag.

18Ang tumatakas dahil sa takot ay mahuhulog sa hukay at mabibitag ang mga lumalabas dito. Uulan nang malakas at mayayanig ang pundasyon ng lupa.

19Ang daigdig ay lubusang mawawasak; mabibiyak ang lupa at labis itong mayayanig.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.