Isaias 24

Maririnig ang awitan sa ibaʼt ibang sulok ng mundo, “Luwalhati sa Diyos na Makatarungan.” Ngunit kahabag-habag ako. Akoʼy nanghihina! Nagtataksil ang mga taksil! Patuloy ang paggawa nila ng kataksilan!

Isaiah 24:16 (UKJV) From the uttermost part of the earth have we heard songs, even glory to the righteous. But I said, My leanness, my leanness, woe unto me! the treacherous dealers have dealt treacherously; yea, the treacherous dealers have dealt very treacherously.

14Ang mga matitirang tao ay sisigaw at aawit nang may kaligayahan. Ang mga nasa kanluran ay magpapahayag tungkol sa kapangyarihan ng Panginoon.

15Kaya nararapat ding purihin ng mga tao sa silangan at ng mga lugar na malapit sa dagat ang Panginoon, ang Diyos ng Israel.

16Maririnig ang awitan sa ibaʼt ibang sulok ng mundo, “Luwalhati sa Diyos na Makatarungan.” Ngunit kahabag-habag ako. Akoʼy nanghihina! Nagtataksil ang mga taksil! Patuloy ang paggawa nila ng kataksilan!

17Kayong mga mamamayan ng mga bansa sa buong mundo, naghihintay sa inyo ang takot, hukay, at bitag.

18Ang tumatakas dahil sa takot ay mahuhulog sa hukay at mabibitag ang mga lumalabas dito. Uulan nang malakas at mayayanig ang pundasyon ng lupa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.