Isaias 24

Ang mga matitirang tao ay sisigaw at aawit nang may kaligayahan. Ang mga nasa kanluran ay magpapahayag tungkol sa kapangyarihan ng Panginoon.

Isaiah 24:14 (UKJV) They shall lift up their voice, they shall sing for the majesty of the LORD, they shall cry aloud from the sea.

12Ang lungsod ay mananatiling wasak, pati ang mga pintuan nito ay sira-sira.

13Iilan na lamang ang matitirang tao sa lahat ng bansa sa mundo, tulad ng puno ng olibo na nalagas ang bunga o ng ubasang kaunti ang naiwan pagkatapos ng anihan.

14Ang mga matitirang tao ay sisigaw at aawit nang may kaligayahan. Ang mga nasa kanluran ay magpapahayag tungkol sa kapangyarihan ng Panginoon.

15Kaya nararapat ding purihin ng mga tao sa silangan at ng mga lugar na malapit sa dagat ang Panginoon, ang Diyos ng Israel.

16Maririnig ang awitan sa ibaʼt ibang sulok ng mundo, “Luwalhati sa Diyos na Makatarungan.” Ngunit kahabag-habag ako. Akoʼy nanghihina! Nagtataksil ang mga taksil! Patuloy ang paggawa nila ng kataksilan!

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.