Isaias 24

Ang lungsod ay mananatiling wasak, pati ang mga pintuan nito ay sira-sira.

Isaiah 24:12 (UKJV) In the city is left desolation, and the gate is smitten with destruction.

10Ang nawasak na lungsod ay mapapabayaan. Isasara ang pintuan ng bawat tahanan.

11Sisigaw ang mga tao sa lansangan, na naghahanap ng alak. Ang kanilang kaligayahan ay mapapalitan ng kalungkutan. Ang kasiyahan ay maglalaho sa balat ng lupa.

12Ang lungsod ay mananatiling wasak, pati ang mga pintuan nito ay sira-sira.

13Iilan na lamang ang matitirang tao sa lahat ng bansa sa mundo, tulad ng puno ng olibo na nalagas ang bunga o ng ubasang kaunti ang naiwan pagkatapos ng anihan.

14Ang mga matitirang tao ay sisigaw at aawit nang may kaligayahan. Ang mga nasa kanluran ay magpapahayag tungkol sa kapangyarihan ng Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.