Isaias 24

Iilan na lamang ang matitirang tao sa lahat ng bansa sa mundo, tulad ng puno ng olibo na nalagas ang bunga o ng ubasang kaunti ang naiwan pagkatapos ng anihan.

Isaiah 24:13 (UKJV) When thus it shall be in the midst of the land among the people, there shall be as the shaking of an olive tree, and as the gleaning grapes when the vintage is done.

11Sisigaw ang mga tao sa lansangan, na naghahanap ng alak. Ang kanilang kaligayahan ay mapapalitan ng kalungkutan. Ang kasiyahan ay maglalaho sa balat ng lupa.

12Ang lungsod ay mananatiling wasak, pati ang mga pintuan nito ay sira-sira.

13Iilan na lamang ang matitirang tao sa lahat ng bansa sa mundo, tulad ng puno ng olibo na nalagas ang bunga o ng ubasang kaunti ang naiwan pagkatapos ng anihan.

14Ang mga matitirang tao ay sisigaw at aawit nang may kaligayahan. Ang mga nasa kanluran ay magpapahayag tungkol sa kapangyarihan ng Panginoon.

15Kaya nararapat ding purihin ng mga tao sa silangan at ng mga lugar na malapit sa dagat ang Panginoon, ang Diyos ng Israel.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.