Isaias 24

Ang nawasak na lungsod ay mapapabayaan. Isasara ang pintuan ng bawat tahanan.

Isaiah 24:10 (UKJV) The city of confusion is broken down: every house is shut up, that no man may come in.

8Titigil ang masayahing tunog ng mga tamburin, mawawala ang ingay ng mga taong nagdiriwang, at tatahimik ang masayahing tunog ng alpa.

9Mawawala ang awitan sa kanilang pag-iinuman, at ang inumin ay magiging mapait.

10Ang nawasak na lungsod ay mapapabayaan. Isasara ang pintuan ng bawat tahanan.

11Sisigaw ang mga tao sa lansangan, na naghahanap ng alak. Ang kanilang kaligayahan ay mapapalitan ng kalungkutan. Ang kasiyahan ay maglalaho sa balat ng lupa.

12Ang lungsod ay mananatiling wasak, pati ang mga pintuan nito ay sira-sira.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.