Isaias 24

Titigil ang masayahing tunog ng mga tamburin, mawawala ang ingay ng mga taong nagdiriwang, at tatahimik ang masayahing tunog ng alpa.

Isaiah 24:8 (UKJV) The delight of timbrels ceases, the noise of them that rejoice ends, the joy of the harp ceases.

6Kaya isusumpa ng Diyos ang mundo, at mananagot ang mga mamamayan nito dahil sa kanilang mga kasalanan. Susunugin sila at iilan lang ang matitira.

7Malalanta ang mga ubas, at mauubos ang alak na galing dito. Ang lahat ng nagsasaya ay mapapabuntong-hininga.

8Titigil ang masayahing tunog ng mga tamburin, mawawala ang ingay ng mga taong nagdiriwang, at tatahimik ang masayahing tunog ng alpa.

9Mawawala ang awitan sa kanilang pag-iinuman, at ang inumin ay magiging mapait.

10Ang nawasak na lungsod ay mapapabayaan. Isasara ang pintuan ng bawat tahanan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.