Isaias 24

Kaya isusumpa ng Diyos ang mundo, at mananagot ang mga mamamayan nito dahil sa kanilang mga kasalanan. Susunugin sila at iilan lang ang matitira.

Isaiah 24:6 (UKJV) Therefore has the curse devoured the earth, and they that dwell therein are desolate: therefore the inhabitants of the earth are burned, and few men left.

4Matutuyo at titigas ang lupa. Manlulumo ang buong mundo pati na ang mga kilala at makapangyarihang mga tao.

5Ang mundo ay dinungisan ng mga mamamayan nito, dahil hindi nila sinunod ang Kautusan ng Diyos at ang kanyang mga tuntunin. Nilabag nila ang walang hanggang kasunduan ng Diyos sa kanila.

6Kaya isusumpa ng Diyos ang mundo, at mananagot ang mga mamamayan nito dahil sa kanilang mga kasalanan. Susunugin sila at iilan lang ang matitira.

7Malalanta ang mga ubas, at mauubos ang alak na galing dito. Ang lahat ng nagsasaya ay mapapabuntong-hininga.

8Titigil ang masayahing tunog ng mga tamburin, mawawala ang ingay ng mga taong nagdiriwang, at tatahimik ang masayahing tunog ng alpa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.