Isaias 24

Ang mundo ay dinungisan ng mga mamamayan nito, dahil hindi nila sinunod ang Kautusan ng Diyos at ang kanyang mga tuntunin. Nilabag nila ang walang hanggang kasunduan ng Diyos sa kanila.

Isaiah 24:5 (UKJV) The earth also is defiled under the inhabitants thereof; because they have transgressed the laws, changed the ordinance, broken the everlasting covenant.

3Lubusang mawawasak ang mundo at walang matitira rito. Ang Panginoon ang nagsabi nito.

4Matutuyo at titigas ang lupa. Manlulumo ang buong mundo pati na ang mga kilala at makapangyarihang mga tao.

5Ang mundo ay dinungisan ng mga mamamayan nito, dahil hindi nila sinunod ang Kautusan ng Diyos at ang kanyang mga tuntunin. Nilabag nila ang walang hanggang kasunduan ng Diyos sa kanila.

6Kaya isusumpa ng Diyos ang mundo, at mananagot ang mga mamamayan nito dahil sa kanilang mga kasalanan. Susunugin sila at iilan lang ang matitira.

7Malalanta ang mga ubas, at mauubos ang alak na galing dito. Ang lahat ng nagsasaya ay mapapabuntong-hininga.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.