5Ang mundo ay dinungisan ng mga mamamayan nito, dahil hindi nila sinunod ang Kautusan ng Diyos at ang kanyang mga tuntunin. Nilabag nila ang walang hanggang kasunduan ng Diyos sa kanila.
6Kaya isusumpa ng Diyos ang mundo, at mananagot ang mga mamamayan nito dahil sa kanilang mga kasalanan. Susunugin sila at iilan lang ang matitira.
7Malalanta ang mga ubas, at mauubos ang alak na galing dito. Ang lahat ng nagsasaya ay mapapabuntong-hininga.
8Titigil ang masayahing tunog ng mga tamburin, mawawala ang ingay ng mga taong nagdiriwang, at tatahimik ang masayahing tunog ng alpa.
9Mawawala ang awitan sa kanilang pag-iinuman, at ang inumin ay magiging mapait.