21Sa araw na iyon, parurusahan ng Panginoon ang mga makapangyarihang nilalang sa langit, pati ang mga hari dito sa mundo.
22Sama-sama silang ihuhulog sa hukay na katulad ng mga bilanggo. Ikukulong sila sa bilangguang iyon at saka parurusahan pagkatapos ng maraming araw.
23Kung magkagayoʼy mamumutla ang buwan, at magtatago sa kahihiyan ang araw, sapagkat ang Panginoon ng mga Hukbo ay maghahari sa Bundok Zion sa Jerusalem. Mamamahala siyang puno ng kaluwalhatian sa harapan ng mga pinuno nito.