Isaias 26

Dumaing kami dahil sa hirap, ngunit walang nangyari sa aming daing. Wala kaming nagawa para iligtas ang lupain, at wala kaming ipinanganak na maninirahan sa mundo.

Isaiah 26:18 (UKJV) We have been with child, we have been in pain, we have as it were brought forth wind; we have not wrought any deliverance in the earth; neither have the inhabitants of the world fallen.

16Panginoon, pinarusahan nʼyo ang iyong mga mamamayan, at sa kanilang mga paghihirap ay dumulog at tumawag sila sa inyo.

17Panginoon, kitang-kita nʼyo ang aming paghihirap. Tulad kami ng isang babaeng nanganganak, na napapasigaw dahil sa tindi ng sakit.

18Dumaing kami dahil sa hirap, ngunit walang nangyari sa aming daing. Wala kaming nagawa para iligtas ang lupain, at wala kaming ipinanganak na maninirahan sa mundo.

19Ngunit muling mabubuhay ang inyong mga mamamayang namatay. Babangon ang kanilang mga bangkay at aawit sa galak. Kung papaanong ang hamog ay nagpapalamig ng lupa, kayo rin Panginoon ang muling bubuhay sa mga patay.

20Mga kababayan, pumasok kayo sa inyong mga tahanan at isara ninyo ang inyong mga pintuan. Magtago muna kayo hanggang sa mawala ang galit ng Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.