Isaias 26

Mga kababayan, pumasok kayo sa inyong mga tahanan at isara ninyo ang inyong mga pintuan. Magtago muna kayo hanggang sa mawala ang galit ng Panginoon.

Isaiah 26:20 (UKJV) Come, my people, enter you into your chambers, and shut your doors about you: hide yourself as it were for a little moment, until the indignation pass over.

18Dumaing kami dahil sa hirap, ngunit walang nangyari sa aming daing. Wala kaming nagawa para iligtas ang lupain, at wala kaming ipinanganak na maninirahan sa mundo.

19Ngunit muling mabubuhay ang inyong mga mamamayang namatay. Babangon ang kanilang mga bangkay at aawit sa galak. Kung papaanong ang hamog ay nagpapalamig ng lupa, kayo rin Panginoon ang muling bubuhay sa mga patay.

20Mga kababayan, pumasok kayo sa inyong mga tahanan at isara ninyo ang inyong mga pintuan. Magtago muna kayo hanggang sa mawala ang galit ng Panginoon.

21Sapagkat darating ang Panginoon mula sa kanyang tirahan upang parusahan ang mga tao sa mundo dahil sa kanilang mga kasalanan. Ilalabas ng lupa ang mga taong pinatay, at hindi na niya itatago pa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.