Isaias 27

Mapapatawad lang sila kung gigibain nila ang kanilang mga altar na bato at kung didikdikin ang mga ito ng pino at itatapon ang mga posteng imahen ni Ashera, at ang mga altar na pinagsusunugan nila ng insenso.

Isaiah 27:9 (UKJV) By this therefore shall the iniquity of Jacob be purged; and this is all the fruit to take away his sin; when he makes all the stones of the altar as chalkstones that are beaten in two, the groves and images shall not stand up.

7Hindi pinaparusahan ng Diyos ang Israel katulad ng pagpaparusa niya at pagpatay sa mga kaaway nila.

8Ipinabihag ng Panginoon ang kanyang mga mamamayan bilang parusa sa kanila. Ipinatangay niya sila sa napakalakas na hangin mula sa silangan.

9Mapapatawad lang sila kung gigibain nila ang kanilang mga altar na bato at kung didikdikin ang mga ito ng pino at itatapon ang mga posteng imahen ni Ashera, at ang mga altar na pinagsusunugan nila ng insenso.

10Nawasak na ang tanggulang lungsod. Para na itong ilang. Wala nang nakatira rito. Naging pastulan na lang ito at pahingahan ng mga baka. Inubos ng mga baka ang mga dahon ng mga sanga.

11At nang mabali at matuyo ang mga sanga, tinipon ito ng mga babae at ginawang panggatong. Dahil sa walang pang-unawa ang mga taong ito, hindi sila kaaawaan ng Diyos na lumikha sa kanila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.