Isaias 27

Nawasak na ang tanggulang lungsod. Para na itong ilang. Wala nang nakatira rito. Naging pastulan na lang ito at pahingahan ng mga baka. Inubos ng mga baka ang mga dahon ng mga sanga.

Isaiah 27:10 (UKJV) Yet the defenced city shall be desolate, and the habitation forsaken, and left like a wilderness: there shall the calf feed, and there shall he lie down, and consume the branches thereof.

8Ipinabihag ng Panginoon ang kanyang mga mamamayan bilang parusa sa kanila. Ipinatangay niya sila sa napakalakas na hangin mula sa silangan.

9Mapapatawad lang sila kung gigibain nila ang kanilang mga altar na bato at kung didikdikin ang mga ito ng pino at itatapon ang mga posteng imahen ni Ashera, at ang mga altar na pinagsusunugan nila ng insenso.

10Nawasak na ang tanggulang lungsod. Para na itong ilang. Wala nang nakatira rito. Naging pastulan na lang ito at pahingahan ng mga baka. Inubos ng mga baka ang mga dahon ng mga sanga.

11At nang mabali at matuyo ang mga sanga, tinipon ito ng mga babae at ginawang panggatong. Dahil sa walang pang-unawa ang mga taong ito, hindi sila kaaawaan ng Diyos na lumikha sa kanila.

12Sa araw na iyon, ihihiwalay ng Panginoon ang mga Israelita at titipunin niya isa-isa mula sa Ilog ng Eufrates hanggang sa daluyan ng tubig ng Ehipto na parang nagtitipon ng mga butil sa giikan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.