Isaias 27

Sa araw na iyon, ihihiwalay ng Panginoon ang mga Israelita at titipunin niya isa-isa mula sa Ilog ng Eufrates hanggang sa daluyan ng tubig ng Ehipto na parang nagtitipon ng mga butil sa giikan.

Isaiah 27:12 (UKJV) And it shall come to pass in that day, that the LORD shall beat off from the channel of the river unto the stream of Egypt, and all of you shall be gathered one by one, O all of you children of Israel.

10Nawasak na ang tanggulang lungsod. Para na itong ilang. Wala nang nakatira rito. Naging pastulan na lang ito at pahingahan ng mga baka. Inubos ng mga baka ang mga dahon ng mga sanga.

11At nang mabali at matuyo ang mga sanga, tinipon ito ng mga babae at ginawang panggatong. Dahil sa walang pang-unawa ang mga taong ito, hindi sila kaaawaan ng Diyos na lumikha sa kanila.

12Sa araw na iyon, ihihiwalay ng Panginoon ang mga Israelita at titipunin niya isa-isa mula sa Ilog ng Eufrates hanggang sa daluyan ng tubig ng Ehipto na parang nagtitipon ng mga butil sa giikan.

13At sa araw na iyon, tutunog ang dakilang trumpeta. Silang mga ikinalat na naghihirap sa Asiria at mga bihag sa Ehipto ay darating at sasamba sa Panginoon sa banal na bundok sa Jerusalem.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.