27Hindi niya ginagamitan ng mabibigat na panggiik o gulong ng kariton ang mga inaning pampalasa, kundi pinapagpag niya o pinapalo ng patpat.
28Ang trigo na ginagawang tinapay ay madaling madurog kaya hindi niya ito gaanong ginigiik. Ginagamitan niya ito ng karitong panggiik, ngunit sinisiguro niyang hindi ito madudurog.
29Ang kaalamang ito ay mula sa Panginoon ng mga Hukbo. Napakabuti ng kanyang mga payo, at kahanga-hanga ang kanyang kaalaman.