10Sabihin ninyo sa mga matuwid na mapalad sila, dahil aanihin nila ang bunga ng kanilang mabubuting ginawa.
11Ngunit nakakaawa ang masasamâ, dahil darating sa kanila ang kapahamakan! Gagantihan sila ayon sa mga ginawa nila.
12Inaapi ng mga kabataan ang aking mga mamamayan. Pinamumunuan sila ng mga babae. Mga mamamayan ko, nililinlang kayo ng mga pinuno ninyo. Inaakay nila kayo sa maling daan.
13Nakahanda na ang Panginoon para hatulan ang kanyang mga mamamayan.
14Hahatulan na ng Panginoon ang mga tagapamahala at mga pinuno ng kanyang mga mamamayan. Sabi niya, “Kayo ang sumira ng aking ubasan. Ang mga bahay ninyo ay puno ng mga bagay na sinamsam ninyo sa mga mahihirap.