Isaias 30

Ang bawat hampas ng pamalo ng Panginoon upang silaʼy parusahan ay sinasabayan ng tugtugin ng mga tamburin at lira, habang nilalabanan niya sila gamit ang kanyang mga bisig.

Isaiah 30:32 (UKJV) And in every place where the grounded staff shall pass, which the LORD shall lay upon him, it shall be with timbrels and harps: and in battles of shaking will he fight with it.

30Ipaparinig ng Panginoon ang kanyang makapangyarihang tinig. At ipapakita niya ang kanyang kamay na handa nang magparusa sa tindi ng kanyang galit. Sasabayan ito ng nagliliyab na apoy, biglang pagbuhos ng ulan, pagkulog at pagkidlat, at pag-ulan ng yelo na parang mga bato.

31Tiyak na matatakot ang mga taga-Asiria kapag narinig nila ang tinig ng Panginoon na magpaparusa sa kanila.

32Ang bawat hampas ng pamalo ng Panginoon upang silaʼy parusahan ay sinasabayan ng tugtugin ng mga tamburin at lira, habang nilalabanan niya sila gamit ang kanyang mga bisig.

33Matagal nang nakahanda ang lugar na pagsusunugan sa hari ng Asiria. Maluwang ito at malalim, at handa na ang napakaraming panggatong. Ang hininga ng Panginoon na parang nagniningas na asupre ang magpapaningas ng mga panggatong.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.