Isaias 33

Panginoon, kaawaan nʼyo po kami. Nagtitiwala kami sa inyo. Palakasin nʼyo kami araw-araw, at iligtas sa panahon ng kaguluhan.

Isaiah 33:2 (UKJV) O LORD, be gracious unto us; we have waited for you: be you their arm every morning, our salvation also in the time of trouble.

1Nakakaawa kayong mga nangwawasak na hindi pa nakaranas ng pagkawasak. Nakakaawa kayo, kayong mga taksil, na hindi pa napagtataksilan. Kapag natapos na ang inyong pangwawasak at pagtataksil, kayo naman ang wawasakin at pagtataksilan.

2Panginoon, kaawaan nʼyo po kami. Nagtitiwala kami sa inyo. Palakasin nʼyo kami araw-araw, at iligtas sa panahon ng kaguluhan.

3Tumatakas ang mga tao sa dagundong ng inyong tinig. Kapag kayoʼy tumayo upang magparusa, ang mga bansaʼy nagkakawatak-watak.

4Sasamsamin ang kanilang mga ari-arian, at matutulad sila sa halamang sinalakay ng balang.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.