Isaias 33

Tumatakas ang mga tao sa dagundong ng inyong tinig. Kapag kayoʼy tumayo upang magparusa, ang mga bansaʼy nagkakawatak-watak.

Isaiah 33:3 (UKJV) At the noise of the tumult the people fled; at the lifting up of yourself the nations were scattered.

1Nakakaawa kayong mga nangwawasak na hindi pa nakaranas ng pagkawasak. Nakakaawa kayo, kayong mga taksil, na hindi pa napagtataksilan. Kapag natapos na ang inyong pangwawasak at pagtataksil, kayo naman ang wawasakin at pagtataksilan.

2Panginoon, kaawaan nʼyo po kami. Nagtitiwala kami sa inyo. Palakasin nʼyo kami araw-araw, at iligtas sa panahon ng kaguluhan.

3Tumatakas ang mga tao sa dagundong ng inyong tinig. Kapag kayoʼy tumayo upang magparusa, ang mga bansaʼy nagkakawatak-watak.

4Sasamsamin ang kanilang mga ari-arian, at matutulad sila sa halamang sinalakay ng balang.

5Ang Panginoon ay dakila sa lahat! Siyaʼy naninirahan sa langit. Paiiralin niya ang katarungan at katuwiran sa Jerusalem.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.