4Maglalaho ang lahat ng bituin sa kalangitan, at ang kalawakan ay bibilutin na parang kasulatan. Mahuhulog ang lahat ng bagay sa langit na parang nalalantang mga dahon ng ubas o nalalagas na bunga ng igos.
5Pagkatapos gamitin ng Panginoon ang kanyang espada sa langit, tatama naman ito sa Edom upang parusahan at lipulin.
6Ang espada ng Panginoon ay mapupuno ng dugo at taba, na parang ginamit sa pagkatay ng mga kambing at tupang ihahandog, sapagkat papatayin ng Panginoon ang mga taga-Bosra bilang handog. Marami ang kanyang papatayin sa iba pang mga lungsod ng Edom.
7Papatayin din na parang mga toro ang kanilang mga makapangyarihang mamamayan. Ang kanilang lupain ay mapupuno ng dugo at taba.
8Sapagkat ang Panginoon ay may itinakdang araw para maghiganti sa kanyang mga kaaway para tulungan ang Zion.