5Pagkatapos gamitin ng Panginoon ang kanyang espada sa langit, tatama naman ito sa Edom upang parusahan at lipulin.
6Ang espada ng Panginoon ay mapupuno ng dugo at taba, na parang ginamit sa pagkatay ng mga kambing at tupang ihahandog, sapagkat papatayin ng Panginoon ang mga taga-Bosra bilang handog. Marami ang kanyang papatayin sa iba pang mga lungsod ng Edom.
7Papatayin din na parang mga toro ang kanilang mga makapangyarihang mamamayan. Ang kanilang lupain ay mapupuno ng dugo at taba.
8Sapagkat ang Panginoon ay may itinakdang araw para maghiganti sa kanyang mga kaaway para tulungan ang Zion.
9Ang mga sapa at ang lupa sa Edom ay masisira. Ang buong bansa ay masusunog at hindi na mapapakinabangan.