8“ ‘Ngayon, inaalok ka ng aking amo, ang hari ng Asiria. Bibigyan ka namin ng dalawang libong kabayo kung may dalawang libo ka ring mangangabayo.
9Hindi ka talaga mananalo kahit sa pinakamababang opisyal ng aking amo. Bakit Umaasa ka lang naman sa Ehipto na bibigyan ka nito ng mga karwahe at mangangabayo.
10At isa pa, iniisip mo bang labag sa Panginoon ang pagpunta ko rito? Ang Panginoon mismo ang nag-utos sa akin na lusubin at lipulin ang bansang ito.’ ”
11Sinabi nina Eliakim, Shebna at Joa sa kumander ng mga sundalo, “Pakiusap, maaari bang kausapin mo kami sa wikang Arameo, dahil ang wikang ito ay naiintindihan din namin. Huwag mong gamitin ang wikang Hebreo dahil maririnig ka ng mga taong nasa mga pader ng lungsod.”
12Ngunit sumagot ang kumander, “Inutusan ako ng aking amo na ipaalam ang mga bagay na ito hindi lang sa inyo at sa inyong hari kundi sa lahat ng naninirahan sa Jerusalem. Magugutom at mauuhaw kayong lahat kapag nilusob namin kayo. Kaya kakainin ninyo ang inyong mga dumi at iinumin ninyo ang inyong mga ihi.”