1Nang panahong iyon, nabalitaan ng hari ng Babilonia na si Merodac-baladan na anak ni Baladan, na gumaling si Ezequias sa sakit nito. Kaya nagpadala siya ng sulat at mga regalo sa pamamagitan ng kanyang mga sugo.
2Malugod na tinanggap ni Ezequias ang mga sugo, at ipinakita niya sa mga ito ang lahat ng mga bagay sa taguan ng kayamanan niya – ang pilak, ginto, mga sangkap, magandang uri ng langis, mga armas at ang iba pa niyang kayamanan. Wala ni isang bagay sa palasyo o kaharian ang hindi ipinakita ni Ezequias sa kanila.
3Samantala, pumunta si Propeta Isaias kay Haring Ezequias at nagtanong, “Saan ba nanggaling ang mga taong iyan at ano ang kailangan nila?” Sumagot si Ezequias, “Nanggaling sila sa malayong lugar ng Babilonia.”
4Nagtanong pa ang propeta, “Ano ang nakita nila sa palasyo mo?” Sumagot si Ezequias, “Nakita nila ang lahat ng bagay sa palasyo ko. Walang kahit isa sa mga kayamanan ko ang hindi ko ipinakita sa kanila.”