Isaias 39

Nang panahong iyon, nabalitaan ng hari ng Babilonia na si Merodac-baladan na anak ni Baladan, na gumaling si Ezequias sa sakit nito. Kaya nagpadala siya ng sulat at mga regalo sa pamamagitan ng kanyang mga sugo.

Isaiah 39:1 (UKJV) At that time Merodachbaladan, the son of Baladan, king of Babylon, sent letters and a present to Hezekiah: for he had heard that he had been sick, and was recovered.

1Nang panahong iyon, nabalitaan ng hari ng Babilonia na si Merodac-baladan na anak ni Baladan, na gumaling si Ezequias sa sakit nito. Kaya nagpadala siya ng sulat at mga regalo sa pamamagitan ng kanyang mga sugo.

2Malugod na tinanggap ni Ezequias ang mga sugo, at ipinakita niya sa mga ito ang lahat ng mga bagay sa taguan ng kayamanan niya – ang pilak, ginto, mga sangkap, magandang uri ng langis, mga armas at ang iba pa niyang kayamanan. Wala ni isang bagay sa palasyo o kaharian ang hindi ipinakita ni Ezequias sa kanila.

3Samantala, pumunta si Propeta Isaias kay Haring Ezequias at nagtanong, “Saan ba nanggaling ang mga taong iyan at ano ang kailangan nila?” Sumagot si Ezequias, “Nanggaling sila sa malayong lugar ng Babilonia.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.