1Sa mga araw na iyon, pitong babae ang mag-aagawan sa iisang lalaki at sasabihin nila, “Kami na ang bahala sa pagkain at damit namin, pakasalan mo lang kami upang hindi kami maging kahiya-hiya dahil wala kaming asawa.”
2Darating ang araw na pasasaganain at pagagandahin ng Panginoon ang mga pananim sa Israel, at ang mga ani ng lupain ay magiging karangalan at kaligayahan ng natitirang mga tao sa Jerusalem.
3Tatawaging banal ang mga natirang buháy sa Zion, lahat ng nakatalang nabubuhay sa lungsod ng Jerusalem.